^

Bansa

Gen. Garcia hahatulan ngayon

-
Hahatulan na ngayong araw ng General Court Martial ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kontrobersiyal na si dating AFP Comptroller chief, ret. Major Gen. Carlos Garcia na inakusahang nagtataglay ng ill-gotten wealth matapos ang mahigit isang taong pagdinig sa kaso nito.

Ayon kay military prosecutor Capt. Candy Rivas, si Garcia ay nahaharap sa anim na taong pagkabilanggo at pagbawi ng mga benepisyo kapag napatunayang guilty sa kasong paglabag sa Articles of War (AW) 98 o conduct unbecoming an officer and a gentleman at AW 97, conduct prejudicial to good order and military discipline.

Ang kaso ay nag-ugat matapos mabigo itong ideklara ang kanyang yaman sa isinumite nitong Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2002 at 2003 gayundin ang pagtataglay nito ng green card.

Hindi umano ibinilang ni Garcia ang P6.5 milyon nitong deposito at P5.8 milyong dividends sa AFPSLAI at anim na magarbong behikulo. Nahaharap din si Garcia sa P303 milyong kasong plunder sa Sandiganbayan. (Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARTICLES OF WAR

CANDY RIVAS

CARLOS GARCIA

GARCIA

GENERAL COURT MARTIAL

JOY CANTOS

LIABILITIES AND NET WORTH

MAJOR GEN

STATEMENT OF ASSETS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with