Pagsipot ni Garci sa Kamara tiyak na
December 2, 2005 | 12:00am
Wala nang atrasan at tiyak na umano ang pagsipot ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano sa Kongreso sa Miyerkules, Disyembre 7.
At para masigurong walang aberya, humiling ang kampo ni Garcillano sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Eddie Tamondong ng seguridad sa Philippine National Police (PNP) para sa ligtas na paglantad ng kanyang kliyente.
Ayon kay Tamondong, gusto nilang makasiguro na hindi malalagay sa peligro ang buhay ni Garcillano na inaasahang luluwas sa Maynila mula sa Mindanao sa Linggo o Lunes.
Hiniling din ni Tamondong sa PNP kung puwedeng sa Camp Crame tutuloy si Garcillano. Bagaman wala pang natatanggap na request ang PNP, tiniyak naman nito na handa silang protektahan ang dating komisyuner.
Inaasahang dadalhin ni Garcillano sa kanyang paglantad ang kanyang affidavit.
"If events will turn out normal, he will come," ani Tamondong
Tiniyak din ni Tamondong na oras na alisin ng Kongreso ang arrest warrant ay agad din nilang iuurong ang kanilang petisyon na isinumite sa Korte Suprema na nagbabasura sa warrant.
Kasabay nito, iginiit kahapon ni Parañaque Rep. Roilo Golez sa limang komite ng House of Representatives na dumidinig sa "Hello Garci" tapes na paharapin din sa Disyembre 7 ang ilan pang personalidad na nasabit sa naturang iskandalo.
Sa isang liham, iminungkahi ni Golez na ipatawag din sina Michael Angelo Zuce, Capt. Marlon Mendoza at Justice Sec. Raul Gonzales.
Matatandaan na si Zuce ang nagsiwalat ng La Vista pay-off kung saan namudmod umano ng jueteng money ang Pangulo sa mga opisyal ng Comelec.
Samantala si Mendoza na nagsilbing chief security officer ni Garcillano, ang nagbunyag ng umanoy sabwatan ng Comelec officials para mandaya umano noong May 2004 elections. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am