Pondo ng PHC nilulustay
December 1, 2005 | 12:00am
Nalulustay umano ang kinikita ng Philcomsat Holdings Corp. (PHC) dahil sa kuwestyonableng paggamit ng pondo ng kumpanya sa ilalim ng management na pinangungunahan ni Manuel Nieto Jr.
Dahil dito, nagbabala ang ilang concerned observers na kapag nagpatuloy ang ganitong pagpapatakbo ng kumpanya ay malamang maubos ang pondo nito sa madaling panahon.
Pinansin nila na ang PHC, bagamat listed sa Philippine Stock Exchange (PSE), ay hindi nagdedeklara ng dibidendo kaya ang nakikinabang lamang umano ay ang management at board of directors at hindi ang stockholders.
Ayon sa ulat na isinumite ng kumpanya sa PSE, ang kinita nito ay bumagsak ng 37.45 porsyento mula P23.98 milyon sa unang siyam ng buwan ng 2004 hanggang P15 milyon sa unang siyam ng buwan ng 2005.
Ang representation at entertainment expenses na iniulat ng Nieto management ay kuwestyonable rin umano dahil ang pangunahing pinagkukunan ng kita nito ay ang tubo mula sa perang idinedeposito sa mga bangko at money market, at ang upa sa condominium unit nito sa Makati.
Noong Enero-Setyembre 2005, gumasta ang PHC ng P7.12-M para sa representation & entertainment o 18.3% higit sa P2.43-M na ginasta noong Enero-Setyembre 2004.
Nakita rin sa ulat ang kaduda-dudang pagtaas ng gastos sa buwis, transportation at iba pa na umaabot sa P262-M sa unang siyam na buwan ng 2005 kumpara sa P1.07-M noong 2004.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am