Kilos-protesta tigil muna habang may SEAG
December 1, 2005 | 12:00am
Nakiusap kahapon ang Department of Tourism (DOT) sa mga militanteng-grupo na pansamantalang itigil muna ang mga kilos-protesta habang isinasagawa ang 23rd South East Asian Games upang hindi masira ang pangalan ng bansa sa paningin ng mga atleta ng karatig-bansa natin sa rehiyon.
Sinabi ni Philippine Tourism Authority (PTA) general manager Robert Dean Barbers na mapipigilan ng ilulunsad na kilos-protesta ang nagaganap na pag-angat ng ekonomiya kasama na ang sektor ng turismo dahil pinapapangit nito ang imahe ng Pilipinas.
Sinabi ni Barbers, lubhang makakatulong sa ekonomiya ang ginawang aksyon ni BI Commissioner Alipio Fernandez na bigyan ng extension visa ang mga dayuhang atleta at iba pang miyembro ng delegasyon ng hanggang isang buwan matapos ang palaro dahil sa dagdag na kita buhat sa atleta na magiging turista sa bansa. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest