DNA test kay Smith di pa napapanahon
November 30, 2005 | 12:00am
Olongapo City - Tinanggihan kahapon ni Olongapo City Chief Prosecutor Prudencio Jalandoni ang mosyon ng mga abogado ng pangunahing suspek sa Subic rape na sumailalim ito sa DNA test.
Sa ikalawang preliminary investigation kahapon, sinabi ni Jalandoni na hindi pa kailangan sa kasalukuyang pagdinig na magpa-DNA test si US Marine Cpl. Daniel Smith.
Ang nasabing pagpapa-DNA testing ni Smith ay base sa mosyong inihain ng lead counsel ni Smith na si Atty. Benjamin Formoso na magpa-DNA test ang kanyang kliyente para malaman ang katotohanan kung kanino galing ang "spermatozoa" na nakuha sa condom na kasalukuyang ginagamit bilang ebidensya sa kaso.
Ipinaliwanag ni Jalandoni na hindi niya maaaring tanggapin ang nasabing mosyon sa DNA sampling ni Smith dahil magiging hadlang lamang umano ito sa kasalukuyang hearing at hindi pa napapanahon.
Samantala, tahasang sinabi naman ni Atty. Katrina Legarda na possible umanong malagay sa peligro si Smith dahil sa hindi nito pagsusumite ng kanyang counter-affidavit para sagutin ang akusasyon laban sa kanya.
Si Smith ang pinangalanan ng driver ng Starex van na si Timoteo Soriano Jr. na siya umanong gumahasa sa biktima matapos nitong marinig ang "Go Smith, Go!" na siya namang isinisigaw ng mga kasama nitong sina Keith Silkwood, Chad Carpentier, Albert Lara, Corey Burris at Dominic Duplantis sa loob ng naturang van noong Nobyembre 1.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Formoso na hindi sila makapagsumite ng counter-affidavit dahil hindi nila alam kung ano ang kanilang sasagutin na asunto.
Iginiit nito na ang pangalang Daniel Smith ay parang Juan dela Cruz na maraming kaparehong pangalan kung saan umaabot sa 20,000 ang pangalang Daniel Smith sa website habang ang kliyente nito ay isang 20-anyos na Lance Corporal lamang at high school graduate na may middle initial na J.
Samantala, nabigong lumantad ang driver na si Soriano na isa na rin sas mga suspek. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest