Sinabi ni Prosecutor Jalandoni, mas makakabuting lumantad ang 22-anyos na Pinay sa preliminary investigation ng kaso ngayon upang makitang interesado pa itong isulong ang rape charges laban sa 6 US servicemen.
Ayon kay Jalandoni, pinagbabawalan ng mga abugado ang biktima na humarap sa preliminary investigation ng kaso dahil sa right to privacy nito.
Ngayon ang itinakdang huling araw ng Prosecutors Office upang maghain ng kanilang counter-affidivadit ang 6 na sundalong Kano.
Reresolbahin din ngayon ang inihaing motion for confrontation ng akusadong si Albert Lara.
Magugunita na inakusahan ng 22-anyos na biktima na ginahasa siya ng 6 na sundalong Kano noong Nov. 1 sa loob ng isang van sa Subic. (Grace dela Cruz)