Pagbasura sa bgy. elections ayaw ng taumbayan

Mariing tinutulan ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr. ang mungkahi ng Citizens Consultative Commission na ibasura ang barangay elections.

Sinabi ni Sen. Pimentel na nasisiguro niyang hindi papayag ang taumbayan sa panukalang ito ng komisyon na huwag ng magkaroon ng eleksiyon sa barangay bagkus ay magtalaga na lamang ng magiging barangay officials ang mga alkalde.

Hiniling din ni Pimentel na gamitin na lamang ang barangay bilang economic units ng gobyerno sa pagpapatupad ng economic development, livelihood enterprises at pagbibigay tulong pinansiyal, credit assistance at training skills sa mga maliliit na nagnenegosyo.

Ito ay upang tuluyang maputol ang paggamit ng ilang pulitiko sa mga barangay sa partisan politics. (Rudy Andal)

Show comments