Sinabi ni Labor Sec. Patricia Sto. Tomas na makakatulong din sa paglakas ng palitan ng piso sa dolyar ang mga remittances ng mga OFW na hindi naman uuwi ng Pilipinas.
Kasalukuyang nasa P54.15 ang palitan kontra US$1 at inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na bababa pa ito sa P53 dahil sa pagpasok ng mga dolyares sa bansa ng mga OFW.
Nanawagan naman si Philippine Tourism Authority (PTA) general manager Robert Dean Barbers sa mga nagpapatakbo ng mga money changer shops sa mga lugar na pagdarausan ng mga events ng SEAG na huwag nang lokohin ang mga dayuhan na magpapalit ng kanilang mga dolyar upang hindi masira ang kredibilidad ng bansa para mahikayat na muling bumalik ang mga ito sa Pilipinas bilang mga turista.
Nabatid na nasa top 2 ang mga Koreanong turista na dumagsa ngayong taon sa bansa. Base sa datos mula Enero-Setyembre 2005, nangunguna ang US sa pagpasok ng may 392,706 tourist arrivals; South Korea na may 349,706 at ikatlo ang Japan, na may 313, 101 tourist arrivals. (Danilo Garcia)