^

Bansa

Piso mas lalakas sa SEAG

-
Naniniwala ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Tourism (DOT) na tuluy-tuloy na ang pagtatag ng piso kontra dolyar dahil sa pagdagsa ng mga dayuhang delegasyon sa ginaganap na Southeast Asian Games at pagbabalik ng libu-libong mga overseas Filipino workers ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

Sinabi ni Labor Sec. Patricia Sto. Tomas na makakatulong din sa paglakas ng palitan ng piso sa dolyar ang mga remittances ng mga OFW na hindi naman uuwi ng Pilipinas.

Kasalukuyang nasa P54.15 ang palitan kontra US$1 at inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na bababa pa ito sa P53 dahil sa pagpasok ng mga dolyares sa bansa ng mga OFW.

Nanawagan naman si Philippine Tourism Authority (PTA) general manager Robert Dean Barbers sa mga nagpapatakbo ng mga money changer shops sa mga lugar na pagdarausan ng mga events ng SEAG na huwag nang lokohin ang mga dayuhan na magpapalit ng kanilang mga dolyar upang hindi masira ang kredibilidad ng bansa para mahikayat na muling bumalik ang mga ito sa Pilipinas bilang mga turista.

Nabatid na nasa top 2 ang mga Koreanong turista na dumagsa ngayong taon sa bansa. Base sa datos mula Enero-Setyembre 2005, nangunguna ang US sa pagpasok ng may 392,706 tourist arrivals; South Korea na may 349,706 at ikatlo ang Japan, na may 313, 101 tourist arrivals. (Danilo Garcia)

BANGKO SENTRAL

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DEPARTMENT OF TOURISM

LABOR SEC

PATRICIA STO

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

PILIPINAS

ROBERT DEAN BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with