Gayunman, sinabi ni Cruz na kailangan pa ring mag-ingat ang publiko kahit normal ang panahon sa susunod na taon dahil sa may 19-20 naman ang bagyong papasok sa Pilipinas sa nasabing taon.
Iniulat naman ni Dr. Rodolfo de Guzman, director ng Strategic Planning Office ng PAGASA na bagamat 16 bagyo na ang tumama sa bansa ngayong 2005, hindi naman ito kinakitaan ng malaking pinsala kung ikukumpara noong 2004.
Hiniling naman ni de Guzman ang tulong ng media hinggil sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko. Malaking tulong anya ang media sa pagpapalakas ng kampanya ng ahensiya patungkol sa kalagayan ng panahon sa bansa. (Angie dela Cruz)