^

Bansa

Walang El Niño, La Niña sa 2006

-
Hindi makakaranas ang bansa ng El Niño at La Niña phenomenon sa taong 2006, ito ang magandang balita na inihayag ni Nathaniel Cruz, climatologist ng PAGASA.

Gayunman, sinabi ni Cruz na kailangan pa ring mag-ingat ang publiko kahit normal ang panahon sa susunod na taon dahil sa may 19-20 naman ang bagyong papasok sa Pilipinas sa nasabing taon.

Iniulat naman ni Dr. Rodolfo de Guzman, director ng Strategic Planning Office ng PAGASA na bagamat 16 bagyo na ang tumama sa bansa ngayong 2005, hindi naman ito kinakitaan ng malaking pinsala kung ikukumpara noong 2004.

Hiniling naman ni de Guzman ang tulong ng media hinggil sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko. Malaking tulong anya ang media sa pagpapalakas ng kampanya ng ahensiya patungkol sa kalagayan ng panahon sa bansa. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CRUZ

DR. RODOLFO

EL NI

GAYUNMAN

GUZMAN

HINILING

LA NI

NATHANIEL CRUZ

STRATEGIC PLANNING OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with