^

Bansa

Senate probe sa fertilizer fund pambala vs kaalyado ni Gloria

-
Binira kahapon ng mga kongresista ang mga opposition senators na gumagamit sa isyu ng fertilizer fund para siraan at atakihin ang mga kaalyadong kongresista ni Pangulong Arroyo.

Sa isang press conference, hinamon din nina Reps. Reynila Nicolas (Bulacan), Monico Puentevella (Bacolod City), Edgar Espinosa (Guimaras) at Janette Garin (Iloilo) ang mga sendor na ilantad din sa taumbayan kung saan napunta ang kanilang sariling alokasyon sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na "pork barrel". Umaabot sa P220 milyon kada senador ang tinatanggap na pork barrel.

Hiniling din ni Nicolas sa Commission on Audit at sa Ombudsman na makipagtulungan sa Department of Agriculture (DA) para sa isang malawak at walang kinikilingang imbestigasyon.

Ayon naman kay Puentevella, malinaw na ginagamit na ang mga kongresista para gawing pambala laban sa administrasyon upang biguin ang isinusulong na charter-change ng Kamara. Itinanggi rin nito ang paratang na kilala nila si Jose Barredo, ang lumutang na testigo sa Senado.

Aniya, maghahain siya ng isang resolusyon sa Kamara para sa isang imbestigasyon at upang makaharap si Barredo sa kauna-unahang pagkakataon.

Maging sina Espinosa at Garin ay itinanggi rin ang alegasyon na tumanggap sila ng suhol para sa proyekto ng DA. Anila, maging si COA Chairman Guillermo Carague, sa pakikipag-usap nito kay House Speaker Jose de Venecia noong isang linggo ay nagsabing walang anomalya sa panig ng mga kongresista kaugnay sa ipinalabas na pondo.

Sinabi naman ni Espinosa na kinausap na niya ang kanyang abogado para ihanda ang kasong libelo at kriminal na isasampa niya laban kay Barredo. (Malou Rongalerios)

BACOLOD CITY

BARREDO

CHAIRMAN GUILLERMO CARAGUE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

EDGAR ESPINOSA

ESPINOSA

HOUSE SPEAKER JOSE

JANETTE GARIN

JOSE BARREDO

KAMARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with