^

Bansa

TRO vs People’s Court hingi

-
Hiniling ng isang miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) laban sa People’s Court dahil wala anyang karapatan ang mga taong nasa likod ng Citizens’ Congress for Truth and Accountability (CCTA) na litisin si Pangulong Arroyo.

Sa isinampang petition ni Atty. Jose Perito, maituturing umano na "usurpation of authority" ang ginagawang pagdinig ng grupo ni dating Vice Pres. Teofisto Guingona dahil wala namang kapangyarihan ang mga ito na maglitis ng kahit na sino.

Idinagdag pa ni Perito na isang "mockery" o pangungutya sa hudikatura ang ginagawa ng People’s Court dahil wala namang kapangyarihan ang mga ito na magsagawa ng paglilitis.

Aniya, wala rin sa Saligang Batas ang nasabing paglilitis kaya illegal ang lahat ng aktibidad na ginagawa ng mga ito.

Samantala, inatasan naman ng SC ang mga taong nasa likod ng People’s Court na maghain ng kanilang komento sa loob ng 10 araw hinggil sa petition ni Rep. Simeon Datumanong na humihiling na pahintuin ng Korte ang nasabing grupo sa ginagawang paglilitis kay Pangulong Arroyo.

Una nang naghain ng petition si Datumanong sa SC kung saan hiniling nito na magpalabas din ng TRO ang korte para sa pagpapahinto sa People’s Court. (Grace Amargo-dela Cruz)

GRACE AMARGO

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JOSE PERITO

KORTE SUPREMA

PANGULONG ARROYO

SALIGANG BATAS

SIMEON DATUMANONG

TEOFISTO GUINGONA

TRUTH AND ACCOUNTABILITY

VICE PRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with