Nakasaad sa Article 287 ng PD 442 na ang sinumang empleyado ay maaari nang tumigil sa pagtatrabaho pagdating ng kanilang retirement age o base sa kanilang collective bargaining agreement.
Kung walang CBA sa isang kompanya, ang isang empleyado ay maaaring magretiro pagdating ng 60 anyos pero hindi dapat lumampas sa 65 anyos na itinuturing na compulsory retirement age.
Kailangan ding magtrabaho ang isang kawani ng hindi bababa sa 5 taon sa isang kompanya bago magretiro.
Ipinaliwanag ni Rep. Lacson na maraming retiradong empleyado ang hindi na nag-eenjoy sa kanilang nakukuhang retirement pay dahil sa katandaan.
"These retirees are in a sense, too old to take a new leap in life. Thus, they spend the later years of their lives in hospitals or nursing homes due to failing health," ani Lacson.
Kung bababaan aniya ang retirement age ay mas magiging kapaki-pakinabang sa mga empleyado ang kanilang pagreretiro. (Malou Rongalerios)