^

Bansa

Retirement age gagawing 60; optional, 55

-
Upang mas maging kapaki-pakinabang sa mga empleyado sa pribadong sektor ang kanilang pagreretiro, isinulong kahapon ni Negros Occidental Rep. Jose Carlos Lacson ang pag-amyenda sa Presidential Decree No. 442 o mas kilala sa tawag na Labor Code of the Philippines na naglalayong ibaba sa 60 ang kasalukuyang 65 yrs. old na compulsory retirement age at 55 anyos sa optional retirement. Sa kasalukuyan ay 60 ang umiiral na edad sa optional.

Nakasaad sa Article 287 ng PD 442 na ang sinumang empleyado ay maaari nang tumigil sa pagtatrabaho pagdating ng kanilang retirement age o base sa kanilang collective bargaining agreement.

Kung walang CBA sa isang kompanya, ang isang empleyado ay maaaring magretiro pagdating ng 60 anyos pero hindi dapat lumampas sa 65 anyos na itinuturing na compulsory retirement age.

Kailangan ding magtrabaho ang isang kawani ng hindi bababa sa 5 taon sa isang kompanya bago magretiro.

Ipinaliwanag ni Rep. Lacson na maraming retiradong empleyado ang hindi na nag-eenjoy sa kanilang nakukuhang retirement pay dahil sa katandaan.

"These retirees are in a sense, too old to take a new leap in life. Thus, they spend the later years of their lives in hospitals or nursing homes due to failing health," ani Lacson.

Kung bababaan aniya ang retirement age ay mas magiging kapaki-pakinabang sa mga empleyado ang kanilang pagreretiro. (Malou Rongalerios)

IPINALIWANAG

JOSE CARLOS LACSON

KAILANGAN

LABOR CODE OF THE PHILIPPINES

LACSON

MALOU RONGALERIOS

NAKASAAD

NEGROS OCCIDENTAL REP

PRESIDENTIAL DECREE NO

RETIREMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with