E. Samar tumanggap ng P5-M fertilizer fund

Iginiit kahapon ng isang town mayor sa Eastern Samar na nakatanggap ang kanyang munisipalidad ng P5 milyong halaga ng fertilizer na inendorso ni Rep. Marcelino Libanan para sa mga magsasaka ng lalawigan.

Sinabi ni Dolores, Eastern Samar Mayor Antonio Rivera sa pagpapatuloy ng P728 milyong fertilizer fund scam investigation sa Senado na walang katotohanan ang akusasyon ni assistant treasurer Antonio Salas na walang nai-deliver na fertilizer sa mga magsasaka mula sa Ginintuang Masaganang Ani (GMA) program para sa magsasaka ng lalawigan.

Wika pa ni Mayor Rivera, pangulo ng League of Municipalities sa Easter Samar, nagsagawa ng physical inspection ang mga kinatawan ng Commisison on Audit kasama ang ilang media practitioners sa Region 8 sa mga naideliver na fertilizer. (Rudy Andal)

Show comments