^

Bansa

Gunigundo inindorso ng mga negosyante sa BOC

-
Naniniwala ang grupo ng mga negosyante na angkop sa posisyon bilang Commissioner ng Bureau of Customs (BoC) si dating Valenzuela City Rep. Magtanggol ‘Magi’ Gunigundo.

Tinawag na "very knowledgeable" pagdating sa mga usapin sa BoC si Gunigundo ni Federation of Philippine Industries (FPI) president Jess Arranza base sa masusing pag-aaral na isinagawa nang makarating sa kanilang kaalaman ang listahan ng mga contender para mamuno sa kagawaran.

Ayon kay Arranza, personal niyang nasaksihan ang kahusayan ni Gunigundo, partikular sa usapin sa anti-smuggling nang dumalo sa committee hearing ng Trade and Industry na pinamumunuan ni Sen. Mar Roxas ang mga grupo ng negosyante. Si Gunigundo, aniya, ang tumatayong committee counsel ng committee.

Idinagdag din ni Arranza na mas mabuting isang taong mula sa labas ng BoC ang maitalaga sa posisyon upang mabura na ang nakagawiang ‘padrino system’ na aniya’y nagpabagsak sa kagawaran.

Binigyang-diin pa ng opisyal na hindi ang laki ng koleksyon ang dapat na gawing panuntunan sa pagpili ng mamumuno sa BoC kundi ang pagiging disiplinado at istrikto. Kailangan anyang masiguro ng bagong itatalagang commissioner na may kalidad ang mga pumapasok na kargamento at pumasa sa pamantayan na ipinapatupad at ang lahat ng katangiang ito ay nakikita niya na kayang ipatupad ni Gunigundo.

Magkagayunman, ang huling desisyon ay nakasalalay pa rin kay Pangulong Arroyo at handa umano silang irespeto ito. (Gemma Amargo)

ARRANZA

BUREAU OF CUSTOMS

FEDERATION OF PHILIPPINE INDUSTRIES

GEMMA AMARGO

GUNIGUNDO

JESS ARRANZA

MAR ROXAS

PANGULONG ARROYO

SI GUNIGUNDO

TRADE AND INDUSTRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with