Kahapon ay nagpalabas ng "subpoena" ang prosecutors office laban kay Soriano at binigyan ito ng 10 araw ni Olongapo City Chief Prosecutor Prudencio Jalandoni para magsampa ng kanyang counter-affidavit dahil sa ginawang pagbaligtad nito sa kanyang unang sinumpaang pahayag.
Inutusan din ng prosekusyon si Soriano na dumalo sa susunod na preliminary investigation sa darating na Nobyembre 29.
Sinabi din ni Jalandoni, kailangan lamang linawin ni Soriano ang kanyang naging aksyon bago, habang, at matapos na maisagawa ang naganap na panggagahasa sa biktima sa loob ng Starex van na minamaneho nito noong gabi ng Nobyembre 1.
Ayon pa sa kanya, kung tutuusin ay aabot lamang ng 15 minuto para silay sumapit sa Alava Pier mula sa Neptune KTV bar kung saan nanggaling ang mga biktima at suspek subalit pinaikot-ikot pa umano nito ang van sa loob ng Subic kaya inabot ng halos isang oras bago pa sila nakarating sa Alava Pier na likod lamang ng naturang KTV bar. (Jeff Tombado)