^

Bansa

Driver ng Starex suspek na sa Subic rape

-
Olongapo City - Isinama na rin bilang isa sa mga suspek ang driver ng Starex van na si Timoteo Soriano Jr., mula sa pagiging pangunahing saksi sa umano’y panggagahasa ng 6 sundalong Kano sa 22-anyos na Pinay.

Kahapon ay nagpalabas ng "subpoena" ang prosecutors office laban kay Soriano at binigyan ito ng 10 araw ni Olongapo City Chief Prosecutor Prudencio Jalandoni para magsampa ng kanyang counter-affidavit dahil sa ginawang pagbaligtad nito sa kanyang unang sinumpaang pahayag.

Inutusan din ng prosekusyon si Soriano na dumalo sa susunod na preliminary investigation sa darating na Nobyembre 29.

Sinabi din ni Jalandoni, kailangan lamang linawin ni Soriano ang kanyang naging aksyon bago, habang, at matapos na maisagawa ang naganap na panggagahasa sa biktima sa loob ng Starex van na minamaneho nito noong gabi ng Nobyembre 1.

Ayon pa sa kanya, kung tutuusin ay aabot lamang ng 15 minuto para sila’y sumapit sa Alava Pier mula sa Neptune KTV bar kung saan nanggaling ang mga biktima at suspek subalit pinaikot-ikot pa umano nito ang van sa loob ng Subic kaya inabot ng halos isang oras bago pa sila nakarating sa Alava Pier na likod lamang ng naturang KTV bar. (Jeff Tombado)

vuukle comment

ALAVA PIER

AYON

INUTUSAN

JEFF TOMBADO

NOBYEMBRE

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY CHIEF PROSECUTOR PRUDENCIO JALANDONI

SORIANO

STAREX

TIMOTEO SORIANO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with