Mark Jimenez balik Pinas ngayon

Matapos ang halos 3 taong pagkakabilanggo sa Estados Unidos sa kasong tax evasion, babalik ngayong umaga sa Pilipinas si dating Manila Rep. Mark Jimenez.

Sasalubungin ngayon sa NAIA si Rep. Jimenez ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na siyang personal na naghatid sa dating kongresista noong Disyembre 26, 2003 dahil sa extradition case nito.

Nabilanggo si Jimenez, Mario Crespo sa tunay na buhay, dahil sa kasong tax evasion at illegal campaign fund contribution kay dating US President Bill Clinton ng Democratic Party.

Ayon sa source, sa pagbabalik ng dating mambabatas ay baka buhayin ang isyung pangingikil umano ni dating Justice Secretary Hernando Perez na $2 milyon sa kanya para sa IMPSA deal.

Samantala, iginiit naman ng dating DOJ chief, hindi siya natatakot sa pagbabalik ni Jimenez sa bansa bagkus ay nakahanda niyang harapin ito.

Nilinaw ni Perez na walang katotohanan ang akusasyon ni Jimenez kaya handa niyang harapin ito. Ang isinampang extortion ni Jimenez laban kay Perez ay nasa Office of the Ombudsman. (Malou Rongalerios/Grace dela Cruz)

Show comments