Tigil-putakan sa pulitika hiling
November 21, 2005 | 12:00am
Nanawagan ang mga kongresisita sa lahat ng pulitiko at mga lider sa bansa na ipatupad ang pagkakaroon ng tigil-balitaktakan sa pulitika hanggang sa buwan ng Hunyo sa susunod na taon para naman mabigyan ng pagkakataong mailatag ang mga benepisyo sa ekonomiya sa taumbayan.
Hiniling din nina Parañaque Rep. Eduardo Zialcita at Davao Oriental Rep. Joel Mayo Almario sa mga kasamahang mambabatas na pagtibayin ang pagkakaroon ng pinag-isang national development agenda at itakwil ang mga panggugulong ginagawa hanggang sa susunod na taon.
Ayon pa sa mga kongresista, pratikal na magkaroon ng political ceasefire sa loob ng pitong buwan at ituon ang panahon at lakas sa pagpapatibay sa P1.05 trilyon national budget.
"If the executive and legislative are united, then the common goal to improve the lives of all Filipinos regardless of their political leaning, religion or locality becomes achievable. After all, this is what people expect and demand from their elected and appointive leaders," pahayag pa ng mga solon. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest