Cross-ownership sa EPIRA aalisin
November 21, 2005 | 12:00am
Hindi na papayagan sa isinusulong na amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ang cross-ownership sa generation at distribution sa mga bagong players sa power sector.
Ayon kay Sen. Juan Ponce Enrile, chairman ng sub-committee on energy, lalakarin din niya sa Senado na maging exempted ang kasalukuyang tie-up ng generation at distribution companies mula sa ban na ito.
Sinabi ni Sen. Enrile na hindi na papayagan ang cross-ownership ng common investor sa electric generation at distribution upang mabigyang proteksiyon ang mga consumers.
Inamin din ng mambabatas na hindi total ban ang isinusulong nila sa cross-ownership kundi ang paglalagay lamang ng cap sa shareholdings.
Sinabi naman ni Atty. Rufino Ocampo, kinatawan ng Philippine Power Plant Owners Association, hindi na kinakailangan ang pag-amyendang ito sa batas dahil nakasaad sa EPIRA ang pagbabawal sa sweetheart deals sa pagitan ng power generation at distribution firms.
Ani Ocampo, ang cross-ownership ban ay baka magpahina sa kompetisyon sa power industry at matakot din ang mga investors na nagpaplanong sumali para sa privatization ng Napocor.
Aniya, kung magiging monopolyo ng iilan ang power industry ay baka lalong tumaas ang singil sa kuryente. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest