^

Bansa

British national na may ‘bomba’, timbog sa airport

-
Kalaboso ang isang British national na nairita sa pagrikisa sa kanya ng isang non-uniform personnel (NUP) ng Philippine National Police Aviation Security Group dahil sa pabirong pagsasabi na may bomba siyang bitbit sa kanyang handbag habang nasa final security check sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Francisco Pablo Balagtas, hepe ng 1st Police Center for Aviation Security (PCAS) ng PNP-ASG, ang pasahero na si Yuen Yuen Cheng, 47, ng Brgy. Sta. Maria, Zamboanga City, papunta siyang Hong Kong nang mainis ito sa isang frisker na kumakapkap at nagrerekisa sa kanyang dalang bagahe.

Si Cheng na may passport no. 751273190 kasama ang kanyang mga magulang ay inaresto ng mga awtoridad dakong alas-12:55 sa mismong security final check, ilang oras bago sumakay sa PR flight 306 patungong Hong Kong.

Sinabi ni Balagtas na habang kinakapkapan ni NUP Victoria Bernardo si Cheng ay bigla itong nagsalitang may dala siyang ‘bomba’ sa bagahe dahilan upang suriing maigi ng mga awtoridad ang umano’y pabirong sinabi nito.

Sa panayam kay Cheng, sinabi niyang nagbibiro lamang siya dahil sa pagiging arogante umano ni Bernardo.

Gayunpaman, si Cheng ay sinampahan pa rin ng kasong paglabag sa violationn of PD 1727 o unlawful acts dahil sa malisyosong impormasyon na galing mula sa kanyang bibig. (Butch Quejada)

AVIATION SECURITY

BUTCH QUEJADA

FRANCISCO PABLO BALAGTAS

HONG KONG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE AVIATION SECURITY GROUP

POLICE CENTER

SI CHENG

VICTORIA BERNARDO

YUEN YUEN CHENG

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with