^

Bansa

Amyenda sa LWUA Charter isinusulong

-
Isinusulong kamakailan ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ang agarang pag-amyenda ng Presidential Decree 198, ang 32-taong gulang na corporate charter nito, upang higit na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan ng mahigit na 800 bayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa na hanggang sa kasalukuyan ay walang sapat na malinis at ligtas na inuming tubig.

Sa isang press conference na isinagawa kamakailan, binigyang-diin ni LWUA Administrator Lorenzo H. Jamora ang kahalagahan ng pagbabago sa PD 198 upang mabigyan ng kasiguruhan ang pagkakaroon ng palagiang sapat na pondo para sa mga water supply projects at ma-professionalize ang water supply management sa mga kanayunan.

Sa ngayon, ang LWUA ay nagsasagawa ng mga nasabing amyenda na naglalaman ng 10 mahahalagang pagbabago. Kalakip sa nasabing bill na ito ni Senador Enrile ay ang paghingi ng dagdag-pondo sa naubos nang authorized capitalization ng LWUA at pataasin ang local at foreign borrowing capacities nito.

ADMINISTRATOR LORENZO H

ISINUSULONG

JAMORA

KALAKIP

LOCAL WATER UTILITIES ADMINISTRATION

LWUA

PRESIDENTIAL DECREE

SENADOR ENRILE

WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with