Sinabi ni Sen. Flavier, higit na mapapakinabangan ang nakalaang pondo sa family planning kung ginamit ito ng DOH sa pagbili ng mga contraceptives kaysa ipinagkatiwala sa CFC na wala namang nagawa kundi ang magpa-seminars at conference.
Ibinunyag ni Flavier na batay sa kanyang impormasyon, hanggang sa kasalukuyan ay ang CFC pa rin ang nakikinabang sa natitirang P26 milyon mula sa kabuuang P50 milyong pondo para sa family planning program.
Inilihis naman ni Duque ang usapin at ipinagmalaki na handa ang DOH sa pinangangambahang pagpasok ng bird flu sa bansa kung saan ay mayroong P160 milyong pondo dito ang ahensiya upang ipambili ng gamot mula sa India dahil sa kawalan ng available na gamot nito sa bansa. (Rudy Andal)