Sa House Resolution No. 1019 na inihain ni Mandaluyong Rep. Benjamin Abalos, 919 sasakyan ang naitalang nakarnap sa nakalipas na 10 buwan, 759 ang nanakaw habang nakaparada habang 160 ang puwersahang kinuha o na-carjack.
Sinabi pa ni Rep. Abalos na sa National Capital Region, umaabot sa 574 sasakyan o 60% total car theft cases sa buong bansa ang naitala.
Samantala sa ulat ng Traffic Management Group (TMG), umaabot sa 2-3 sasakyan ang ninanakaw araw-araw sa Metro Manila, 90% nito ay nangyari sa Quezon City.
Panahon na anya upang silipin ng House committees on public order at transportation ang sunud-sunod na carjacking incidents.
Sinabi pa ni Abalos na dapat tingnan ng Kongreso ang regulasyon sa bentahan ng mga surplus spare parts dahil karamihan umano sa mga ninanakaw na sasakyan ay dinadala sa mga surplus shops na siyang nagkakalas bago ibenta bilang surplus service parts. (Malou Rongalerios)