^

Bansa

Carjacking pakikialaman na ng Kongreso

-
Makikialam na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa tumataas na bilang ng carjacking sa Metro Manila bunsod sa nakakaalarmang report na umaabot sa tatlong sasakyan kada araw ang natatangay mula Enero hanggang Oktubre ng taon.

Sa House Resolution No. 1019 na inihain ni Mandaluyong Rep. Benjamin Abalos, 919 sasakyan ang naitalang nakarnap sa nakalipas na 10 buwan, 759 ang nanakaw habang nakaparada habang 160 ang puwersahang kinuha o na-carjack.

Sinabi pa ni Rep. Abalos na sa National Capital Region, umaabot sa 574 sasakyan o 60% total car theft cases sa buong bansa ang naitala.

Samantala sa ulat ng Traffic Management Group (TMG), umaabot sa 2-3 sasakyan ang ninanakaw araw-araw sa Metro Manila, 90% nito ay nangyari sa Quezon City.

Panahon na anya upang silipin ng House committees on public order at transportation ang sunud-sunod na carjacking incidents.

Sinabi pa ni Abalos na dapat tingnan ng Kongreso ang regulasyon sa bentahan ng mga surplus spare parts dahil karamihan umano sa mga ninanakaw na sasakyan ay dinadala sa mga surplus shops na siyang nagkakalas bago ibenta bilang surplus service parts. (Malou Rongalerios)

ABALOS

BENJAMIN ABALOS

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

MANDALUYONG REP

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

QUEZON CITY

SA HOUSE RESOLUTION NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with