Kamara mag-iiba ng image
November 18, 2005 | 12:00am
Kasado na ang pagbabago sa imahe ng Mababang Kapulungan makaraang magkasundo ang ilang kongresista hinggil dito.
Sinabi ni Surigao Rep. Prospero Pichay sa isang media forum sa Quezon City na pumayag na si House Majority Leader Prospero Nograles sa mga nilalaman ng package na ginawa nito na magpapabago sa kabuuan ng pagpapatakbo ng Kamara.
Laman ng package na makabuo ng mga maayos at may kalidad na batas sa mabilis na panahon at tuluyan nang iwanan ang matagal nang gawain dito na pagkabalam dahil na rin sa pagkawala ng quorum.
Isa sa sinasabing dahilan ng kabagalan na makagawa ng Kongreso ng batas ay bunga ng madalas na pagkawala sa quorum ni Speaker Jose de Venecia na madalas umanong bumiyahe sa labas ng bansa.
Bagaman hindi tuluyang inamin ni Pichay na bahagi ng pagbabagong nais nito at ng marami pang kongresista ay ang agawin ang pamunuan kay JDV kung hindi siguruhin lamang na ang magiging lider ay laging nakikita.
Binanggit pa ni Pichay na pag-uukulan na rin ng pansin ang pagiging pala-absent ng karamihan sa mga kongresista kung saan agad na idudulog ang awtomatikong pagsibak ng sinuman na mapapatunayan sa hinahawakan nitong komite. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 15 hours ago
By Doris Franche-Borja | 15 hours ago
By Ludy Bermudo | 15 hours ago
Recommended