^

Bansa

Suspension order vs Lanao gov. binawi

-
Nagpalabas na kahapon ng resolusyon ang Office of the Ombudsman na nagkakansela sa una nitong kautusang suspendihin ng 6 buwan si Lanao del Norte Gov. Bashier Manalao.

Batay sa 5-pahinang resolusyon ni Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez, binawi nito ang ipinataw na suspension order laban sa gobernador bilang pagtugon sa pagpapakansela ng Court of Appeals (CA) habang nakabinbin pa ang injunction hearing sa petisyon.

Nag-ugat ang kaso ng magsampa ng kasong katiwalian at administratibo si Lanao Vice Gov. Monera Macabangon laban kay Manalao dahil sa alegasyong nagpasok ito ng isang kaanak na labag sa nepotism at ang hindi pagdadaan sa public bidding ng mga patrol cars.

Nilinaw naman sa depensa ni Manalao na ang kanyang kaanak na ginawa niyang confidential staff ay pinapayagan ng batas at ang pagbili ng mga sasakyan ay may basbas ng board. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BASHIER MANALAO

BATAY

COURT OF APPEALS

DEPUTY OMBUDSMAN

LANAO VICE GOV

LUZON VICTOR FERNANDEZ

MANALAO

MONERA MACABANGON

NORTE GOV

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with