Cha-cha umusad na
November 17, 2005 | 12:00am
Matapos ang ilang buwang paghihintay, sinimulan na rin kahapon sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang debatehan tungkol sa planong amyendahan ang Saligang Batas na naglalayong palitan ang kasalukuyang presidential system sa federal parliamentary.
Sinimulan ni Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula ang pagtatanggol sa House Committee Report 1065 na naglalaman ng House Concurrent Resolution No. 26 na nananawagan sa Kamara at Senado na magsanib para sa Chacha.
Sinabi ni Jaraula, chairman ng House committee on constitutional amendments na panahon na para baguhin ang porma ng gobyerno dahil ang kasalukuyang 1987 Constitution ay ibinase sa framework ng American Constitution.
Mababawasan din anya ang matinding pamumulitika sa bansa at maging ang political paralysis na nararanasan kung mababago ang Konstitusyon at pati ang porma ng gobyerno.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest