Protesta ni Loren pinababasura dahil ampaw
November 14, 2005 | 12:00am
Dapat nang ibasura ang election protest ng natalong vice presidential candidate na si Loren Legarda dahil ampaw at nakakaabala.
Reaksiyon ito ng kampo ni Vice Pres. Noli Kabayan de Castro sa umanoy pinakahuling kapalpakan ni Legarda kaugnay ng kanyang electoral protest laban sa pangalawang pangulo.
Ayon kay Atty. Armando Marcelo ng Andres Marcelo Padernal Guerrero and Paras (AMPGP) Law Offices at legal counsel ni de Castro, dahil sa isinampang mosyon ni Legarda sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na bawiin ang bahagi ng kanyang protesta, naudlot ang pagsisimula ng bilangan ng election returns,
Akala ko ba siya tong nagmamadali na umusad ang kaso pero siya pa ang nagiging dahilan upang bumagal ang proseso ng batas at mabigyan ng linaw ang protesta na isinampa niya laban sa pangalawang pangulo, ani Marcelo.
Sinabi ni Marcelo na ang naturang mosyon ay patunay lamang na walang basehan ang mga inireklamo ni Legarda at iniiwasan lamang nito na lumabas ang katotohanan na si de Castro ang tunay na nanalo sa nakaraang halalan sa pagkabise-presidente.
Kung sabagay, bakit niya naman kasi pabubuksan ang mga election returns kung saan lilitaw na natalo siya? Di ba nakakahiya lang yun? Ang masama, siya pa ang nagreklamo, anang abogado.
Nauna dito, sinuspinde ng Supreme Court na tumatayong PET ang pagsisimula ng muling bilangan ng election returns dahil na rin sa mosyon ni Legarda na ilaglag na lamang sa kanyang protesta ang may dalawamput isang bayan na karamihan ay nasa Lanao del Norte at Surigao Del Sur.
Hindi pa malinaw sa PET ang pagtatakda ng bagong petsa para sa bilangan ng election returns.
Samantala, isinabahala na lamang ni de Castro ang electoral protest ni Legarda sa PET at sa kanyang mga abogado. Ayon kay de Castro mas makikinabang ang sambayanang Pilipino kung igugugol na lamang niya ang kanyang oras sa pagtupad ng kanyang tungkulin na kasalukuyang nakatuon sa pambansang programa sa pabahay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
3 hours ago
Recommended