^

Bansa

Suspension vs Lanao governor hinarang ng CA

-
Hinarang ng Court of Appeals (CA) ang kautusan ng Office of the Ombudsman na suspendihin sa tungkulin si Lanao del Sur Governor Bashier Manalao.

Sa 2-pahinang resolusyon ng appelate court, nagpalabas ito ng temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang Ombudsman sa pagpapatupad ng 6 months suspension order. Epektibo ito sa loob ng 60-araw, o maaari pang palawigin kung sakaling mag-isyu ng injunction order.

Sinabi ni CA 15th Division Associate Justice Noel Tijam na kaya ipinalabas ang status quo order ay upang pangalagaan ang karapatan ng bawat partido at tiyakin na walang ‘grave at irreparable injury’ sa panig ng gobernador.

Itinakda na rin ng CA ang pagdinig sa preliminary injunction na hiniling ni Manalao sa Nob. 15, 2005, na gaganapin sa Paras Hall.

Nag-ugat ang kaso sa graft at administrative charges na inihain ni Vice Gov. Monera Macabangon sa Ombudsman laban kay Manalao kaugnay sa alegasyong nalabag ng huli ang nepotism at hindi idinaan sa public bidding ang pagbili ng ambulance at police patrol cars.

Itinanggi ni Manalao ang akusasyon sa depensang ang ipinasok niyang kaanak sa kanyang tanggapan ay isang confidential staff na pinapayagan naman ng batas at ang biniling mga sasakyan ay alam ng board.

Si Manalao ay sinuspinde ni Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez sa loob ng 6-buwan.

Kaagad naman kinuwestiyon ni Manalao ang petisyon sa CA dahil wala umanong hurisdiksiyon si Fernandez na mag-utos ng suspensiyon laban sa sinumang gobernador at alkalde o matataas na opisyal ng gobyerno. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

COURT OF APPEALS

DEPUTY OMBUDSMAN

DIVISION ASSOCIATE JUSTICE NOEL TIJAM

LUZON VICTOR FERNANDEZ

MANALAO

MONERA MACABANGON

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PARAS HALL

SI MANALAO

SUR GOVERNOR BASHIER MANALAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with