Driver ng 6 Kano di raw sinuhulan
November 14, 2005 | 12:00am
Lumutang kahapon ang driver ng anim na US Marines na inakusahang nanggahasa sa isang 22-anyos na Pinay sa Subic, Zambales para igiit na hindi siya sinuhulan upang baguhin ang una niyang testimonya sanhi upang humina ang kaso laban sa mga dayuhan.
Sinabi ni Timoteo Santiago, Jr. na sinuntok siya ng isang pulis na imbestigador at tinakot na isasama sa kaso kung hindi pipirmahan ang affidavit na nagdidiin sa anim na sundalong akusado.
Masyado na umano siyang nalilito at natatakot na pati kanyang asawa, hindi na rin nakakapasok sa paaralan ang kanyang mga anak at masyadoang maraming media na naghahanap sa kanya kaya minabuti nilang lumipat ng tirahan.
Iginiit nito na tinatanggal niya ang mga salitang "rape" at "gang rape" dahil hindi anya niya mapapatunayan na ginahasa nga ang biktima.
Ayon sa driver, nakita niyang lima lamang ang sundalong Kano sa loob ng Starex van at pang-anim ang biktima na hinala niya ay lango sa alak. Narinig niya na nagtatalo ang biktima at ang sundalong si Daniel Smith dahil sa pagtawag nito na "prostitute" sa biktima.
Lumabas naman umano ang apat na sundalo habang natira sa loob ang biktima at si Chad Carpienter. Binuksan rin naman ng mga ito ang pinto kung saan nakita niya ang biktima na walang damit pang-ibaba ngunit nakasuot ng damit pang-itaas.
Idinagdag nito na hindi naman umano galit ang biktima at hindi rin umiiyak, taliwas sa kanyang naunang testimonya na sinabi nitong "umiiyak, sumisigaw at nanlalaban ang babae kay Sgt. Smith".
Sa kabila ng pag-iwas na madamay sa kaso, maaaring ito ang kahinatnan ni Santiago matapos na magbabala si Justice Secretary Raul Gonzalez na kakasuhan ng perjury kung tuluyang babaguhin ang testimonya nito.
Itinakda na ng Olongapo City Prosecutors Office ang preliminary investigation sa kaso sa Nob. 23 at 29, 2005 laban sa anim na akusado. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Ludy Bermudo | 17 hours ago
Recommended