Kahapon ay namahagi ang Pangulo ng libro sa mga mag-aaral ng Kasarinlan Elementary School habang namigay rin sa unang batch ng 27,000 Philhealth cards para sa mga mahihirap na residente. Katuwang dito ng Pangulo si Caloocan Mayor Enrico "Recom" Echiverri,
Nagkaroon rin ng serbisyong medical at dental, supplemental feeding, mini-job fair, libreng gupit, reflexology, foot spa, table setting at bartending demonstration.
Mayroon ring libreng payong legal; Operation Birthright o libreng pagpapatala sa mga bagong panganak; mga livelihood seminars sa meat processing, card making, candle making, Christmas decor making, pagsasaayos ng mga kagamitan at electronic power processing, reflexology at basic haircutting.
Sinimulan na rin ang pagpapakalat ng 50 NFA rolling stores at pamamahagi ng grafted mangoes para sa urban gardening.
Nauna nang naglaan ng pondo ang pamahalaang lungsod para sa pagbili ng 16,000 libro at instructional materials na ipamamahagi sa mga elementarya at sekondaryang paaralan sa lungsod.
Kasalukuyan na ring ipinagpapatuloy ang pagsasaayos at pagsasagawa ng mga karagdagang gusali at silid sa mga paaralan.
Ipinahayag ni Arroyo na ang mga libreng serbisyo at programa ay maagang pamasko ng pamahalaang lungsod at pa-birthday kay Echiverri, na magdiriwang ng kaarawan sa Nobyembre 18. (Lilia Tolentino)