Media pumalag vs GMA
November 12, 2005 | 12:00am
Sumiklab na ang giyera sa pagitan ng media at ni Pangulong Arroyo matapos bansagan ng huli ang mga mamamahayag na "bad boy" dahil sa puro negatibo ang ibinabalita.
Sa pahayag ni Jose Torres, chairperson ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP), walang karapatan ang Pangulo na diktahan o lektyuran ang media kung ano ang irereport nito.
Ipinaalala rin ni Torres sa Pangulo ang malaking pakinabang ng media sa pagkakaluklok niya sa puwesto.
"We know our responsibilities. Without a mature media that reported the excesses of the previous administration, there could have been no EDSA Dos that put you, Madam President, in power," pagpapagunita ni Torres sa Pangulo.
Kamakalawa ay binira ni Arroyo ang media dahil sa umanoy hindi makatotohanang pagbabalita ng dumalo ito sa pagtitipon ng mga Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) sa Baguio City.
Anang Pangulo, mas pinagtutuunan ng pansin ng media ang mga negatibong ulat at ginagamit na lisensiya ang kalayaan sa pamamahayag.
Ayon kay Torres, ginagawa ng media ang trabaho nito na maghatid ng mga kaganapan sa bansa. Hindi anya kasalanan ng media kung puro negatibo ang kanilang inilalathala dahil ito ang totoong nangyayari sa Pilipinas.
"Madam President, the Philippine media is doing its best to be true to our job to report what is going on in this country. If ever these reports hurt you or your administration, take a second look before firing your guns," may pagka-inis na pahayag ni Torres.
Inakusahan din ni Senate Majority Leader Aquilino Pimentel Jr., si Pangulong Arroyo ng pagmanipula sa media para matakpan ang kapalpakan ng kanyang gobyerno.
Ani Pimentel, ang tinuran ni Arroyo ay patunay lang sa pagiging isip-bata nito sa pagharap sa mga isyu.
"A spoiled brat, Gloria likes media when it favors her. She hates media when it hits her for cheating, lying and misusing public funds," dagdag ni Pimentel.
Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, walang ibang dapat sisihin ang Pangulo sa masamang publisidad na naisusulat sa kanya kundi ang kanyang sarili. "Shes a bad girl. And bad girl attracts bad boys," ani Casiño.
Hindi umano nakikita ni Arroyo ang kanyang sarili sa mga maling ginagawa at ang media ngayon ang kanyang pinagbubuntunan ng sisi. Ginagawa anya ng media ang kanilang trabaho at ito ay bahagi ng demokrasya na siyang umiiral sa ating bansa.
Sinabi rin ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na hindi dapat pinapakialaman ni Arroyo ang trabaho ng media na tumatayong fourth estate. Isa anyang tahasang pambabastos at pagyurak sa karapatan sa pamamahayag ang tangkang pagbusal nito sa media. (Artemio Dumlao, Rudy Andal at Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 hours ago
Recommended