Gordon tutulong sa rape victim
November 10, 2005 | 12:00am
Siniguro kahapon ni Sen. Richard Gordon na bibigyan ng legal assistance ng Philippine National Red Cross (PNRC) ang biktima ng gang rape sa Subic sa kamay ng 6 na US Marines.
Ayon kay Sen. Gordon, chairman ng PNRC, humingi ng tulong ang ina ng biktima sa kanyang tanggapan partikular ang legal assistance hinggil sa gagawin nilang pakikipaglaban sa korte laban sa 6 na US Marines na halinhinang gumahasa sa kanyang anak noong Oktubre 31 sa Subic.
"We are already coordinating with 3 lawyers who have all agreed to help the victim in this case. The PNRC being a humanitarian organization is committed to assisting victims of all kinds of injustice. The victim and her family can be assured that they will be given top brass and brilliant lawyers to make sure that truth and justice will prevail," wika pa ni Gordon.
Tiniyak naman ni Justice Sec. Raul Gonzales na hindi hihina ang kaso laban sa US Marines na inakusahan ng rape kahit umurong ang testigong driver ng van na si Timoteo Soriano. (Rudy Andal/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest