Pinagkalooban ng 90-araw na reprieve ni Pangulong Arroyo ang mga convict na nakatakdang bitayin sa buwang ito.
Batay sa ipinadalang impormasyon sa Department of Justice (DOJ), kabilang sa binigyan ng 90-day days reprieve ay sina Jeffrey Garcia, Juan Manalo, Alfredo Olicia, Melchor Estomaca, Alejo Miasco at Romeo Santos.
Itinakda ang pagbitay sa anim na convicts dapat noong November 7 ngunit ipinagpaliban na lamang ito ng Pangulo sa Pebrero 6, 2006.
Ang mga convicts na nakatakdang bitayin dapat sa November 14 ay sina Carmilo Soriano, Gerrico Vallejo, Rolando Pagdayawo, Arthur Pangilinan, Arnold Lopez, Reynaldo Yambot, Jaime Carpo, Oscar Ibao, Warlito Ibao at Roche Ibao.
Ipinagpaliban ang pagbitay dito sa Pebrero 13.
Ipinagpaliban din ng Pangulo ang nakatakdang pagbitay kina Eddie Sernadilla, Rodolfo Junas, Romeo Reyes, Celso Morfi at Danilo Alfaro.
Magugunita na mula noong 2004 ay nagpatupad ng reprieve o moratorium si Pangulong Arroyo sa pagpapatupad ng parusang kamatayan. (Grace Dela Cruz)