Kamakailan ay hiniling ni Legarda-Leviste sa Korte Suprema na payagan siyang huwag nang isama ang kanyang protesta sa 21 munisipalidad sa Lanao del Norte at Surigao del Sur samantalang na-iskedyul na ng PET para sa isang recount ang mga balota mula sa nasabing mga lalawigan.
"Pinatutunayan lamang nito na ang protesta niya ay talagang walang lamang katotohanan sa simula at ang inisyal na resulta mula sa muling pagbibilang ng mga boto mula sa Mindanao ay pinatutunayan ito kung kayat iniaatras niya ang kanyang protesta," ani de Castro.
Ayon naman kay Atty. Armando Marcelo, abogado ng bise presidente, tila napagtanto na ni Legarda-Leviste na si de Castro talaga ang nanalo at wala siyang pinanghahawakang record na nagpapatunay sa kanyang mga alegasyon.
Inamin naman ni Legarda-Leviste na kaya niya iniaatras ang kaniyang protesta sa Mindanao ay dahil sa kakulangan ng ebidensiya at dahil mangangailangan pa siya ng budget para ipagpatuloy ito.