^

Bansa

Napagkamalang Abu leader reresbak

-
Dahil sa inabot na kahihiyan, kakasuhan ng negosyanteng look-a-like ni Abu Sayyaf leader Radulan Sahiron ang raiding team ng pulisya na umaresto sa kanya sa Titay, Zamboanga Sibugay noong Sabado.

Sinabi ni Antonio Gara sa panayam dito sa DZMM, sasampahan niya ng kaso ang composite team ng PNP dahil sa maling pag-aresto sa kanya makaraang mapagkamalang siya ang wanted na ASG leader na si Kumander Putol na may P5 milyong reward.

Ayon kay Gara, hindi biro ang inabot niyang kahihiyan sanhi ng kapalpakan ng PNP bukod sa trauma na inabot ng kanyang pamilya dahil sa pangyayari.

Humingi naman ng paumanhin ang liderato ng PNP dahil sa pagkakamaling ito matapos mapagkamalang si Gara ay ang pinaghahanap na ASG leader.

Pinag-iingat naman ng Malacañang ang mga kagawad ng PNP sa pagsusumite ng impormasyon sa Palasyo para hindi na maulit ang kuryenteng balita sa pagkakadakip kay Sahiron.

Iginiit naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na hindi sapat ang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Arroyo dahil sa pagkakamaling ito kundi dapat ay magbitiw na siya sa puwesto.

Ayon naman kay Sen. Ramon Revilla Jr., magdurusa ang bansa sa palpak na ‘intelligence community’ ng AFP at PNP sa gitna na rin ng kampanya laban sa terorismo.

Sinabi ni Sen. Revilla, ang paulit-ulit na pagkakamali ng ating mga alagad ng batas ay nag-iiwan tuloy ng malaking katanungan sa sambayanan hinggil sa kakayahan ng ating mga awtoridad.

Hiniling naman ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran ang pagbibitiw ni PNP chief Arturo Lomibao dahil sa palpak na pag-aresto kay Gara na napagkamalang si Sahiron. (Joy Cantos at Lilia Tolentino, may dagdag na ulat nina Malou Rongalerios at Rudy Andal)

ABU SAYYAF

ANAKPAWIS REP

ANTONIO GARA

ARTURO LOMIBAO

AYON

CRISPIN BELTRAN

JOY CANTOS

KUMANDER PUTOL

LILIA TOLENTINO

MALOU RONGALERIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with