Customs collector kinasuhan ng katiwalian sa Ombudsman
November 7, 2005 | 12:00am
Naghain ng kasong administratibo sa Office of the Ombudsman ang isang negosyante laban sa isang deputy collector ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa umanoy hindi pagsosoli ng hiniram na Louis Vuitton bags at iba pang branded na gamit.
Sa inihaing complaint-affidavit ni Henry Limon, inireklamo nito si Customs Deputy Collector for Assessment Gracia Caringal ng paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards.
Una nang kinasuhan ng katiwalian at grave misconduct sa Manila Regional Trial Court si Caringal hinggil sa reklamo ni Limon at isa pang negosyante dahil sa pangongotong umano ng una sa pagre-release ng mga telang inangkat ni Limon at kasamahang negosyante mula sa BOC.
Dahil sa kakilala ng opisyal ng BOC, pinagkatiwalaan si Caringal na pahiramin umano ng Louis Vuitton suitcase, duffle bag na nagkakahalaga ng $3,000 at Gianfranco winter coat na nagkakahalaga ng $2,500 noong Setyembre 2002 sa pagbiyahe nito sa Europa, kasama ang regular companion na si Hector Gardula.
"Being then the Deputy Collector of Customs, I agreed to lend her these items and I just told her that I will ask Mrs. Cecil Quimpo, another common friend, to bring said items to her at the Office of the Bureau of Customs, in Port Area, Manila", ani Limon sa reklamo.
Galit at pasigaw pa umano si Caringal kay Limon sa tuwing uungkatin ang mga gamit na hindi pa nito isinosoli. Tinatakot pa umano ang negosyante at ipinangangalandakan ang posisyon sa BOC.
Nabatid na kinasuhan ni Limon ng estafa si Caringal sa Malabon Prosecutors Office subalit pilit na iginigiit nito na hindi pa niya maisoli dahil sa alitan nila ng negosyante. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
15 hours ago
Recommended