^

Bansa

Drug test sa HS ibabalik ng DepEd

-
Matapos ang dalawang taon ay muling ibabalik ng Department of Education (DepEd) sa Pebrero ang random drug test sa lahat ng mga high school students sa buong bansa, ito’y upang mabatid ang estado ng suliranin sa addiction ng mga kabataan sa panahon ngayon.

Gayunman, nilinaw ng DepEd na walang layuning kondenahin o ipahiya ang mga kabataang masusumpungang gumamit ng ipinagbabawal na gamot sa halip ay layunin nitong bigyan ng pagkakataong makapagbagong buhay.

Matatandaang dalawang taon na ang nakalipas mula ng isagawa ang ganitong programa sa buong Pilipinas.

Ipapaliwanag ng nabanggit na programa sa mga mag-aaral ang masamang epekto ng droga at kung paano maiwasan ang pagka-trauma dito.

Pananatilihing confidential ang identity o pagkakakilanlan ng mga mag-aaral na magiging positibo.

Kukuha ang DepEd ng 350 estudyante mula sa pipiliing 13 paaralan mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa at isasailalim sa nabanggit na random drug test. (Edwin Balasa)

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDWIN BALASA

GAYUNMAN

IPAPALIWANAG

KUKUHA

MATAPOS

MATATANDAANG

PANANATILIHING

PEBRERO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with