^

Bansa

Lacuna, Fil-Am doctors kapit bisig para sa Manileño

-
Nakipagsanib puwersa si Manila Vice Mayor Danny Lacuna sa grupo ng mga dalubhasang duktor na Fil-Am upang ihatid ang isa sa pinakamalaking medical mission ng bise para sa taong ito.

Magsasagawa ng libreng operasyon sa iba’t ibang mahihirap na komunidad sa siyudad ang mga Fil-Am doctors na pinangungunahan ni Dr. John Monteverde na mula sa Norweigan-American Hospital ng Chicago.

Kasama sa mga ooperahan ang mga may meningocele, hydrocephalus, cyst, cataract, cleft palate, etc. Magbibigay din ng libreng operasyon sa puso ang mga Fil-Am na duktor para sa mga mahihirap ng lungsod na nangangailangan nito.

Ikinagalak ng bise ang pagbigay ng libre sa mga serbisyong ito na kung kukunin sa isang pribadong hospital at mula sa mga ekspertong tulad ng mga nasabing duktor ay mahal at hindi kakayanin ng mga mahihirap.

Ang medical mission ay nagsimula kahapon at magtatagal ng 2 linggo.

vuukle comment

DR. JOHN MONTEVERDE

FIL-AM

IKINAGALAK

KASAMA

MAGBIBIGAY

MAGSASAGAWA

MANILA VICE MAYOR DANNY LACUNA

NAKIPAGSANIB

NORWEIGAN-AMERICAN HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with