Illegal use of alias pinababasura
November 6, 2005 | 12:00am
Hinimok ni dating Pangulong Estrada ang Korte Suprema na tuluyan nang tuldukan ang kasong illegal use of alias na isinampa sa kanya ng tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan.
Batay sa manifestation na isinumite ni Estrada sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Rene Saguisag, hiniling nito na ibasura ang muling pagbuhay sa kasong nabanggit sa pamamagitan ng petition for review ng Ombudsman.
Ipinaliwanag ni Estrada na siya ay naabsuwelto na ng Sandiganbayan sa nasabing kaso at naibasura ang motion for reconsideration na inihain ni Special Prosecutor Dennis Villaignacio.
Iginiit pa ng dating lider na kung ang kaso ay hinatulan na ng pinal ng korte, hindi na dapat pang buhayin dahil sa sandaling muling buksan ito ay paglabag na sa karapatan ng akusado sa double jeopardy.
Si Estrada ay nakasuhan dahil sa paggamit ng alyas na Jose Velarde sa mga account sa bangko at inakusahang ang milyun-milyong salapi ay galing umano sa pangungurakot. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended