Mag-ina, 2 pa kinasuhan ng kidnapping ng DOJ
November 5, 2005 | 12:00am
Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong kidnap-for-ransom ang isang mag-ina at dalawa pang kasama makaraang dukutin umano ang apat katao sa San Pablo, Laguna.
Sa siyam na pahinang resolution na ipinalabas ni Senior State Prosecutor Philip Kimpo, sinabi nito na mayroong mabigat na ebidensiya laban sa mga akusadong sina Cesar Villanueva, Geraldo Andrade at mag-inang Anita Alvenda Katigbak at Juanito Almeda y Katigbak.
Ang kasong kidnap-for-ransom ay isinampa sa San Pablo City Regional Trial Court dahil sa reklamo ng mga biktimang sina Virgilio Monzones, girlfriend nito na si Mirazon Maranan, anak nitong si Nikki Rose at katulong na si Mylene Reyes.
Sa rekord ng prosecution, lumalabas na nagalit umano ang mag-inang Katigbak kay Monzones dahil sa hindi nito pagsasauli ng halagang P400,000 na ibinigay ng una upang ibayad ng huli sa lupang kinatitirikan ng bahay ng mga ito.
Una ritoy nanalo si Anita Katigbak sa lotto na nagkakahalaga ng P13 milyon kung kayat ibinayad na umano nito kay Monzones ang nabanggit na halaga.
Lumipas ang ilang buwan ay palagi umanong nagtatanong si Anita kay Monzones kung naibayad na ang naturang halaga hanggang sa naisipan na ng una na dukutin na lamang ito at ang ilang kasambahay upang mapilitang isauli ang P400,000.
Kung kayat noong April 16, 2004, dakong alas-7:30 ng gabi ay bigla na lamang inabangan ng mga nabanggit na akusado ang mga biktima sa tapat ng mga bahay ng mga ito at dinala sa farm ni Monzones at humingi ng ransom na nagkakahalaga ng P5 milyon.
Ngunit walang maibigay ang mga biktima hanggang sa pumayag na ang mga ito sa P350,000 ransom.
Nang makalaya ay nakita pa umano ni Maranan si Andrade sa bahay ni Anita kung kayat nakumpirma ng mga ito na kasabwat ang mag-inang Katigbak.
Pinagbatayan ng prosecution ang naging pag-amin ni Andrade na ang utak sa pagdukot sa mga biktima ay ang mag-inang Katigbak at ang mga akusado ay positibong nakilala ng mga biktima. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended