Lakas at Kampi nagsanib!
November 5, 2005 | 12:00am
Kinumpirma kahapon ni House Speaker Jose de Venecia ang pagsasanib ng Lakas-CMD at Kabalikat ng Malayang Pilipino o Kampi upang palakasin ang majority coalition bilang paghahanda sa panukalang pag-amyenda sa Konstitusyon at pagpapalit ng porma ng gobyerno sa parliamentary system.
Sinabi ni de Venecia na ang pagsasanib ng dalawang partido ang magiging daan para sa isang malaking partido sa bansa.
Ang "merger agreement" ay nilagdaan nina Reps. Ronaldo Puno, Luis Villafuerte, Victor Sumulong, Anthony Miranda at Amelita Villarosa.
Sinabi nito na wala na ngayong natitirang miyembro ang Kampi sa House of Representatives dahil kasapi na silang lahat ng Lakas-CMD.
Kabilang sa mga miyembro ng Kampi na pumirma sa kasunduan sina Reps. Rodolfo Albano III, Felix Alfelor, Jr., Antonio Alvarez, Iggy Arroyo, Augusto Baculio, Victor Dominguez, Tomas Dumpit, Consuelo Dy, Gerardo Espina, Jr., Amado Espino, Jr., Eduardo Firmalo, Albert Garcia, Alfredo Maranon, Corazon Malanyaon, Nerissa Soon-Ruiz, Generoso Tulagan at Renato Unico, Jr. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest