Nakatakdang magsampa ng motion for reconsideration si Nubla sa Court of Appeals hinggil sa resolusyon nitong nagbabasura sa temporary restraining order na ipinalabas ng isang korte sa Caloocan na humaharang kay Malonzo na punuan ang nakabakanteng puwesto nang mamatay si Rosca.
Binigyang-diin ng konsehal na si Malonzo, anak ng natalong kandidato sa pagka-kongresista at dating alkalde Rey Malonzo, ay registered voter sa District 1 at hindi rin bumoto roon, batay sa ipinalabas na sertipikasyon ng Comelec.
Bumoto si Christopher sa Brgy. 36 sa District 2 noong noong Mayo 2004 elections.
Sinabi nito na taliwas sa sinasabi ng nakababatang Malonzo, hindi rin ito residente ng Castle Spring Heights Subdivision sa Caloocan at hindi rin kasama sa listahan ng mga residente sa Barangay 177, Zone 15 na nakasasakop sa nasabing subdibisyon.
Kinuwestiyon ni Nubla kung paanong makapagsisilbi ng totoo si Malonzo sa mga residente ng District 1 gayung hindi naman siya nakatira roon.