^

Bansa

Pag-upo ni Malonzo haharangin ni Nubla

-
Ipinangako kahapon ni Caloocan City Councilor Nora Nubla na patuloy niyang lalabanan ang inhustisya sa kanyang mga nasasakupan kung makauupo si Christopher Malonzo bilang kapalit ng yumaong si Konsehal Popoy Rosca sa Sangguniang Panlunsod.

Nakatakdang magsampa ng motion for reconsideration si Nubla sa Court of Appeals hinggil sa resolusyon nitong nagbabasura sa temporary restraining order na ipinalabas ng isang korte sa Caloocan na humaharang kay Malonzo na punuan ang nakabakanteng puwesto nang mamatay si Rosca.

Binigyang-diin ng konsehal na si Malonzo, anak ng natalong kandidato sa pagka-kongresista at dating alkalde Rey Malonzo, ay registered voter sa District 1 at hindi rin bumoto roon, batay sa ipinalabas na sertipikasyon ng Comelec.

Bumoto si Christopher sa Brgy. 36 sa District 2 noong noong Mayo 2004 elections.

Sinabi nito na taliwas sa sinasabi ng nakababatang Malonzo, hindi rin ito residente ng Castle Spring Heights Subdivision sa Caloocan at hindi rin kasama sa listahan ng mga residente sa Barangay 177, Zone 15 na nakasasakop sa nasabing subdibisyon.

Kinuwestiyon ni Nubla kung paanong makapagsisilbi ng totoo si Malonzo sa mga residente ng District 1 gayung hindi naman siya nakatira roon.

vuukle comment

BINIGYANG

CALOOCAN

CALOOCAN CITY COUNCILOR NORA NUBLA

CASTLE SPRING HEIGHTS SUBDIVISION

CHRISTOPHER MALONZO

COURT OF APPEALS

KONSEHAL POPOY ROSCA

MALONZO

NUBLA

REY MALONZO

SANGGUNIANG PANLUNSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with