^

Bansa

Pichay ‘liligawan’ ng 12 solons

-
Labindalawang solons ang ipapadala ng Sunshine Coalition sa Cagayan de Oro upang ‘suyuin’ ang nag-aalburotong si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na nais agawin ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Speaker Jose de Venecia.

Ang pakikipag-usap kay Pichay ng mga kinakatawan ng Sunshine Coalition ay isasagawa bukas sa isang hindi pinangalanang hotel sa Cagayan de Oro.

Aminado si House Majority Leader Prospero Nograles na hindi pa maayos ang usapin kaugnay sa speakership kaya kakausapin ng ilang mambabatas si Pichay upang maging maayos ang muling pagbubukas ng sesyon sa Lunes.

Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin sa Lunes ang Charter Change, reorganisasyon ng Kamara, Anti-Terrorism Bill at legislated wage increase na ipinag-utos na ni Pangulong Arroyo.

Nauna rito, nagbigay na ng suporta kay de Venecia ang Liberal Party (LP), Nationalist People’s Coalition, Lakas-CMD at Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi). Kabilang rin sa Sunshine Coalition ang Nacionalista Party (NP) at party-list representatives.

Ayon naman sa ilang solon, dapat magkaroon ng "transparency" sa Kamara may krisis man o wala upang maiwasan ang pag-aalburoto ng ilang mambabatas. Kabilang sa inaangal ng ilang solon ang naantalang pagpapalabas ng kanilang pork barrel. (Malou Rongalerios)

vuukle comment

ANTI-TERRORISM BILL

CHARTER CHANGE

HOUSE MAJORITY LEADER PROSPERO NOGRALES

KABILANG

KAMARA

LIBERAL PARTY

MABABANG KAPULUNGAN

MALAYANG PILIPINO

MALOU RONGALERIOS

SUNSHINE COALITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with