Pinoy engineer patay sa bagyo sa Vietnam

Isang Pinoy engineer ang kumpirmadong nasawi kasama ang 17 pang katao habang 10 pa ang naitalang nawawala matapos ang ikalawang araw ng hagupit ng bagyong Kai Tak sa central coast regions ng bansang Vietnam kahapon.

Sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Pinoy engineer ay nagtatrabaho sa Bong Micu Gold Mine company sa Phu Ninh District ng Quangnam province. Tinangay ito ng malakas na agos ng magtangkang tawirin ang isang sapa habang kasagsagan ng bagyo.

Unang naiulat ang pagkawala ng nasabing Pinoy. Hindi muna inihayag ang pangalan ng biktima habang nakikipag-ugnayan pa ang mga ito sa kanyang pamilya. (Ellen Fernando)

Show comments