^

Bansa

GMA neutral sa labanang JDV vs Pichay

-
Wala umanong kinakampihan si Pangulong Arroyo sa napipintong laban nina House Speaker Jose de Venecia at Rep. Prospero Pichay sa pagka-Speakership.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na bilang pinuno ng Lakas ay gumagawa ang Pangulo ng mga hakbang para mapanatili ang pagkakaisa at kasunduan sa loob ng partido.

Sina de Venecia at Pichay ay kapwa miyembro ng Lakas at hindi anya dapat na makapaghati sa partido ang labanan ng dalawa.

Napapabalitang nag-aambisyong maging Speaker si Pichay, pero kung matutuloy ang engkuwentro nila ay mas malamang umano na matalo si Pichay at puwesto ng minority leader ang mapupunta sa kanya.

Base sa House rules, ang sinumang natalo sa laban ng speakership na nakakuha ng ikalawang pinakamataas na boto ang mauupong minority leader.

Imposible anyang matalo ni Pichay si de Venecia dahil siguradong ito pa rin ang susuportahan ng mas nakararaming mambabatas. (Lilia Tolentino)

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

HOUSE SPEAKER JOSE

IMPOSIBLE

LAKAS

LILIA TOLENTINO

NAPAPABALITANG

PANGULONG ARROYO

PICHAY

PROSPERO PICHAY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with